Suspendido ang klase ng mga estudyante at trabaho sa Far Eastern University (FEU) makaraang bulabugin ng bomb threat kahapon ng umaga ang unibersidad sa Maynila.
Nabatid na dakong alas-11:30 ng umaga nang simulang palabasin sa kani-kanilang silid-aralan ang mga estudyante.
Nakatanggap umano ng text message ang isang security personnel ng unibersidad na mayroon umanong bombang sasabog sa loob.
Tinatawagan umano ang hindi kilalang sender pero hindi ito sumasagot kaya kaagad na ipinaalam sa pamunuan at pagkatapos na magpulong ay iniutos na ng school administration na palabasin na ang lahat ng estudyante at maging ang mga miyembro ng faculty.
Nabatid na examination week ngayon ng FEU.
Kaagad namang nagpunta ang mga miyembro ng Manila Police District-Explosive and Ordinance Division (MPD-EOD) para magsagawa ng inspeksiyon pero negatibo ang resulta ng bomba.
Balik-normal naman ngayong araw ang klase sa FEU.
Source:Abante Tonite
Post a Comment