Ligtas sa virus: Xian Lim walang lagnat, ubo
Kahapon ay kinumusta ko si Xian Lim sa handler niyang si Mhit Pimentel ng Viva Artists Agency.
Ok naman daw ang boyfriend ni Kim Chiu (walang lagnat o ubo) at katulad ng karamihan ng mga cast ng “Love Thy Woman” na nakasasama sa taping ng nag-positive sa COVID-19 na si Christopher de Leon, nagse-self quarantine raw ang tsinitong aktor.
Kahit nga Filipino-American si Xian, hindi raw aalis ang aktor pa-America kahit matapos na ang pagse-self quarantine nito.
“Dito lang siya,” sabi ng handler ni Xian.
Nakibalita naman ako sa isa sa cast ng “Love Thy Woman” kung meron bang nakakaramdam sa kanila ng kakaiba after nga na ma-expose sa taping last week kay Bro. Bo (paboritong tawag sa premyadong aktor), pero wala raw ganoong update ang mga kasamahan nila sa show.
May chat group ang “Love Thy Woman” cast, kaya nagkakaalamanan kaagad sila kung ano ang mga nangyayari sa bawat isa.
Para ngang isang malaking pamilya ang cast ng “Love Thy Woman” na palaging nagkukumustahan at inaalam kung ok ang isa’t isa.
Dalangin ng mga taga-“Love Thy Woman” na walang ibang mag-positive sa kanila sa COVID-19.
Samantala, hanggang mamaya ay mapapanood pa rin ang “Love Thy Woman” pagkatapos ng replay ng “It’s Showtime sa ABS-CBN.
Simula sa Monday, ang “Walang Hanggan” ang pansamantalang papalit muna sa time slot nila.
By ABANTE Una sa Balita

Post a Comment