Camille at BF sa US, sa webcam naghaharutan!



Nakakaloka ang relasyon nina Camille Pratts at ng US-based boyfriend niyang si John Yambao. Sa tsikahan namin ni Camille, sinabi niyang may oras ang communication nila ni John.Kailangan daw ay magtugma ang oras ng kanilang sche­dules para makapag-usap sila.

Super effort daw si Camille na gumising ng umaga para lang maabutan niya ang boyfriend na galing naman sa trabaho.

At kapag natapos na silang magtsikahan ay saka pa lang ulit matutulog si Camille, at ilang oras ay gigising ulit para mag-taping ng Mars sa GMA News TV. Sabi nga, matindi talaga ang sakripisyo ni Camille para sa boyfriend niya na ilang buwan na ring nasa America.

Mahirap daw ang sitwasyon nila, pero wala raw silang magawa dahil inaayos ng dyowa niya ang citizenship nito sa States.

‘Pag nakuha na raw nito ang green card puwede na itong magtagal dito sa ‘Pinas.

Sa ngayon, nagkakasya na lang daw sila na maglambingan o magharutan sa social media, o webcam.

Eh, sa mga susunod na buwan ay hindi na magagawang makauwi ng ‘Pinas ang boyfriend niya para dalawin siya, kaya iniisip ni Camille na puntahan na lang si John sa Amerika para makasama.

Wala pang definite plan si Camille kung kailan siya aalis, pero posibleng bago matapos ang taon.

Anyway, base sa usapan nina Camille at John, maaaring dito raw manirahan ang huli kapag naayos na ang citizenship nito. Mas gusto raw kasi ni John na dito mag-stay kesa sa Amerika.

At isa pa, kailangan din daw magpaparaya nito para kay Camille, dahil nandito raw ang lahat ng mga importanteng detalye sa buhay niya, gaya ng negosyo niyang school, acting career at pamilya.

Source Abante Tonite
Share this article :

Post a Comment

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. Talk Pinoy - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger