Chynna, muntik mapahamak sa Israel dahil sa thermal!

Kasama si Chynna Ortaleza sa cast ng #Y (Hashtag Y) at Hustisya, ang dalawang indie movie na parehong official entry sa 10th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.
Nagpapasalamat si Chynna dahil hindi siya nawawalan ng indie mo­vie project mula nang gawin niya ang Migrante. Si Joel Lamangan ang direktor ng Migrante na kinunan ang kabuuan sa Israel.

Hanggang ngayon, hindi pa nakakalimutan ni Chynna ang happy memo­ries ng shooting nila ng Migrante sa Israel, kahit nagkaroon siya ng memor­able experience sa immigration counter noong pabalik na sa Pilipinas ang kanilang grupo.

Ikinuwento ni Chynna ang matinding kaba na naramdaman nang kunin siya mula sa immigration line ng female immigration officer na nakakita sa paghuhubad niya ng thermal wear nang pumasok siya sa restroom.


“Tinanggal ko ‘yung thermals ko sa banyo. Aka­lain mo nakita nila ‘yon? Ganoon sila ka-observant. Nakita nila na pumasok ako sa comfort room tapos may dala-dala akong damit. Inalis niya ako sa group at sinabihan ng “Excuse me, can I talk to you?”

Ipinaliwanag ni Chynna na hinubad niya ang thermals dahil naiinitan na siya pero hindi nakuntento ang immigration officer na isa-isang ininspeksyon ang lahat ng mga laman ng kanyang maleta.
“Binuklat niya ang maleta ko tapos tinanong niya ‘Did anyone give you anything from Israel to take back home?’

“Sabi ko, yes, map. Ipina­kita ko sa kanya ‘yung map, ‘yung souvenirs. Magnets. Ganyan. Halughog talaga. Kinakabahan na ako kasi lahat ng mga kasama ko, nakatingin na, pati si Direk Joel kasi mahihiwalay ako sa kanila.

“Hindi naman nila ako puwedeng lapitan pero pinapasok naman ako sa boarding area. Thirty minutes ako na ininterbyu, paulit-ulit. Kinakabahan na ako. Panay ang tanong niya ng where did you stay? What did you do? Ang sinabi ko, we‘re doing a documentary pero may permit kami. Legal naman ang lahat.”

Sa kabila ng naranasan niya, may plano si Chynna na bumalik sa Israel, kasama ang Migrante co-star na si Jodi Sta. Maria pero bilang pilgrims at hindi na dahil sa trabaho.


Source Abante online
Share this article :

Post a Comment

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. Talk Pinoy - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger