Ayon sa Phivolcs, ang pagbaba ng alert level ay dahil sa naitala nilang paghupa ng mga volcanic earthquake, paghupa ng pamamaga ng lupa ng ka buuang Taal Caldera at Taal Volcano Island gayundin ay pagtatala ng mahi hinang pagsingaw mula sa Main Cra ter at Daang Kastila fissure.
Sa nakalipas na apat na linggo, naitala na ang binubugang sulfur dioxide ay may katamtamang sukat na la mang na 56 tonelada kada araw at nakapagtala din ng matamlay na pagla bas ng 50-100 metrong taas na singaw habang ang pinakahuling pag-usok ng Main Crater ay naganap noong 26 hanggang 27 ng Pebrero.
Nilinaw maman ng Phivolcs na ang Alert Level 1 ay nangangahulu gang nasa alanganin pa ring kalagayan ang bulkan at hindi nanganga hulugang huminto o naglaho na ang banta ng pagputok.
Sa Alert Level 1, maaaring maga nap ang biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions, volcanic earth quake, manipis na ashfall at pag-ipon o pagbuga ng mga nakalalasong gas kaya mahigpit pa rin ang pagpasok sa perma nent danger zone. (Tina Mendoza)
Ng ABANTE Tnt

Post a Comment