Inaresto ng mga pulis ang boxing star na si Adrien Broner matapos masangkot sa driving under influence o pagmamaneho ng lasing nitong Biyernes ng gabi, [Sabado/Manila Time] sa Miami Beach.
Bago dinampot ay pinara muna ng mga pulis si Broner dahil sa kaduda-duda nitong pagmamaneho.
Nang sitahin ito ganap na alas-8:45 ng gabi at madiskubreng nakainom ay diniretso ito sa presinto.
Otso oras ding nakulong ang boksingerobago napalaya nang magpiyansa ito ng $1000 o katumbas ng P51K.
Matatandaang suki na rin sa mga pulis ang Kanong boxer.
Taong 2019 kasi ay dalawang beses itong naakusahan ng sexual assault.
Una itong hinuli noong February sa Atlanta hinggil sa panghihipo sa isang babae sa shopping mall.
Paglipas ng apat buwan, kulong uli ito sa Cleveland dahil pinilit nitong halikan siya ng ibang babae sa nightclub.
Bukod dito ay nasangkot din ito sa pananakit sa ilang tao sa publiko, at hindi pagbabayad ng tama sa biniling mga alahas.
Kinunsidera si Broner bilang isa sa best prospect sa larangan ng boxing kaya inalyasan itong ‘About Billions’.
Nagbangasan na rin sila ng mukha ni fightingsenator Manny Pacquiao noong January 2019 sa Las Vegas pero natalo ito sa ‘Pambansang Kamao’ via unanimous decision. (Aivan Episcope)
By ABANTE TnT

Post a Comment